Huwag kalimutan si Percy Lapid
Huwag kalimutan si Percy Lapid
RAPPLER EDITORIAL
May ilang linggo nang nakalipas mula nang binaril ang radio commentator at YouTube vlogger na si Percy Lapid kaya’t ilang araw na lang ay matatabunan na ng iba pang balita ang pagpaslang.
Sabi ng mga pulis, “case solved” na raw dahil nasa kustodiya na nila ang mga suspect at nakapag-file na ng murder case.
Sabi ng mamamahayag na si Antonio Montalvan II sa kanyang opinion piece sa Rappler, “sinikap ng Philippine National Police na magsumite ng script na kapanipaniwala.”
Pero tila sumablay. Ayon sa mga dumalo ng press conference, amoy fall guy ang confessed gunman na si Joel Escorial. Para sa mga nag-cover, tila malaking lokohan lang ito dahil hindi naman pinayagang magtanong ang media.
Comments (0)