Distressed OFWs, walang maasahang tulong sa gobyerno
Distressed OFWs, walang maasahang tulong sa gobyerno
February 15, 2023
By Adi Martinez
Pinoy Weekly
Enero 21 nang matagpuan sa disyerto sa Kuwait ang katawan ni Jullebee Ranara, isang Pilipinang domestic worker na pinatay ng anak ng kanyang employer.
Ginahasa, binugbog, sinagasaan at sinunog si Ranara ng isang 17 taong gulang na Kuwaiti. Napag-alaman din na limang buwang buntis si Ranara sa panahon ng kanyang pagkamatay.
Nagkumahog ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na iuwi ang mga labi ni Ranara at bigyan ng financial at burial assistance ang kanyang pamilya sa Pilipinas.
Comments (0)