Kapag Kayod Kabayo, Dapat P750 ang Umento
Kapag Kayod Kabayo, Dapat P750 ang Umento
Pinoy Weekly
May 14, 2023
Inaprubahan kamakailan ni Pangulong Marcos ang karagdagang 11 prayoridad na panukalang batas ng kanyang administrasyon kabilang ang pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund at amyenda sa Build Build Build Program. Pero sa kabuuang 42 prayoridad na batas ni Marcos, hindi kasama ang dagdag-sahod.
Maraming panukala sa House of Representatives at Senado upang itaas ang sahod ng mga manggagawa. Mayroong 58 panukala sa Kamara at 21 naman sa Senado.
Bagaman maraming kumikilala sa panawagan ng manggagawa sa umento sa sahod, alin sa mga panukalang ito ang makatarungan at nakabubuhay?
Comments (0)