Ninoy Aquino, pagpapasya’t sakripisyo
Ninoy Aquino, pagpapasya’t sakripisyo
By Atty. Antonio La Viña
Apatnapu’t taon na ang nakalipas simula nang makitang patay sa tarmak ng Manila International Airport si Ninoy Aquino. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit pinalitan ang pangalan at naging Ninoy Aquino International Airport. Isipin mo, dagat-dagatang dilaw na nag-aantay sa pagbalik ng kanilang bayani. Tila isa sa mga klasikong epiko natin sa Pilipinas. Kaya naman iba ang bigat nang marinig ng lahat ang pagputok ng baril.
Talagang mabigat dahil noong pinatay si Ninoy, halos dalawang dekada na tayong nasa ilalim ng diktadura. Kapag napapaligiran ka ng lagim at nakakita ka ng kahit kakaunting liwanag, nagiging mas masakit ang pagnakaw sa liwanag na iyon.
Hindi ako siguradong may masasabi pa akong bago tungkol kay Ninoy Aquino. Sa katotohanan, tipikal siyang overachiever mula sa kilala at may-lupang pamilya sa Tarlac—naging pinakabatang mayor, vice governor, governor at senador. Nasa eksena na siya ng politika sa edad na 22. Kung iisipin, mayaman sila kaya’t maaari siyang tumahak noon sa mas ligtas na landas kung nanaisin niya. Pwede siyang magpasiyang maging tahimik sa kabila ng karahasan. Pwede siyang magpasyang hindi pumunta sa Pilipinas at patuloy na maging komportable sa ibang bansa.
Comments (0)