Rice Tariffication Law, lalong pahirap sa krisis sa pagkain
Rice Tariffication Law, lalong pahirap sa krisis sa pagkain
By Axell Swen Lumiguen
Nagprotesta sa harap ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City ang mga progresibong grupo upang ipanawagan ang pagbabasura sa Rice Tariffication Law (RTL) at pagpapababa ng presyo ng bigas at iba pang bilihin nitong Setyembre 11.
Pagdidiin ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) president Renato Reyes, “papogi” lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas na P41 hanggang P45 kung hindi malulutas ang totoong problema—ang RTL na mas nagpapataas sa presyo at mas nagpapababa ng suplay nito sa merkado.
Ani Reyes, ayaw magbenta nang palugi ng mga rice retailer na bibigyan lamang ng P10,000 hanggang P15,000 subsidyo upang sumunod sa price ceiling na itinakda ng pamahalaan na kulang na kulang ayon sa kanila.
Comments (0)