‘Unsung Heroes Day’ ni Padilla, pagbaluktot sa kasaysayan
‘Unsung Heroes Day’ ni Padilla, pagbaluktot sa kasaysayan
September 14, 2023
By Marc Lino J. Abila
Binatikos ng grupo ng mga dating bilanggong politikal ang panukalang batas ni Senador Robinhood Padilla na gawing “Unsung Heroes Day” ang Setyembre 21, ang araw kung kailan ginugunita ang deklarasyon ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.
Sa Senate Bill 452 ni Padilla, gagawin ang Setyembre 21 bilang araw ng pag-aalala sa mga sinasabi niyang “unsung heroes” na nagligtas sa Pilipinas mula sa mga komunista. Sa madaling sabi, pagbibigay-pugay sa batas militar ni Marcos Sr. at mga puwersa ng estado na yumurak sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino.
Comments (0)