Katarungan para kay Jude Fernandez
Katarungan para kay Jude Fernandez
October 8, 2023
Pinatay siya gaya nang pagpatay kina Manny Asuncion at Dandy Miguel, mga lider-unyon sa Timog Katagalugan. Brutal. Walang pakundangan. Walang kalaban-laban.
By Pinoy Weekly
PINOY WEEKLY
Pinaslang si Jude Thaddeus Fernandez, 67, organisador ng Kilusang Mayo Uno, noong hapon ng Setyembre 29.
“Nanlaban” daw ang mag-isang matandang unyonista sa pulu-pulutong na tauhan ng Philippine National Police-Criminal Intelligence and Detection Group (PNP-CIDG) na lumusob sa kanyang bahay sa Binangonan, Rizal, kaya siya binaril.
Sabi pa ng PNP, isang Oscar Dizon alyas “Ka Igme” na lider ng Communist Party of the Philippines daw ang pinatay nila noong araw na iyon sa naturang bahay, hindi ang unyonistang si Fernandez.
Comments (0)