Arkidiyosesis ng Maynila, nanawagan ng araw ng panalangin para sa Gaza
Arkidiyosesis ng Maynila, nanawagan ng araw ng panalangin para sa Gaza
October 25, 2023
By Marc Lino J. Abila
Nanawagan ang Arkidiyosesis ng Maynila ng araw ng pananalangin, pag-aayuno at pagpapakasakit para sa kapayapaan sa darating na Oktubre 27, Biyernes, bilang tugon sa panawagan ni Papa Francisco.
Sa circular na nilagdaan ni Father Carmelo Arada Jr., vice chancellor ng arkidiyosesis, nitong Oktubre 23, hinimok niya ang mga parokya at komunidad na magsagawa ng mga aktibidad tulad ng “Mass for Peace, Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour, pagdarasal ng santo rosaryo at iba pang selebrasyon ng Salita ng Diyos.”
Comments (0)