Ano ang nangyayari sa Gaza?
Ano ang nangyayari sa Gaza?
November 1, 2023
By Neil Ambion
PINOY WEEKLY
(kalawa sa apat na bahagi)
Itinatag ang Estado ng Israel noong Mayo 1948 sa Palestine. Para maitatag ito, 15,000 ang pinatay ng Israel mula 1947 hanggang 1949 sa malawakang pagmasaker at sapilitang pagpapalikas sa mga Palestino, tinawag ito sa kasaysayan bilang “Nakba” o delubyo sa wikang Arabo.
Ang pagtatatag ng Estado ng Israel at pagpuksa sa buong lahing Palestino ang layunin ng proyektong Zionista. Sinimulan ito ng isang kulto ng maliit pero mayayaman at makapangyarihang paksyon ng mga Hudyo at Kristiyano sa Europa. Naniniwala silang dakila ang kanilang lahi kaysa iba, gaya rin ng paniniwala ng mga Nazi sa Germany, o ng mga puting Republican sa US, sa kanilang kadakilaan (supremacy).
Comments (0)