Mula ilog hanggang dagat
Mula ilog hanggang dagat
ibo-libong mamamayang Bangsamoro sa Marawi City ang nagpahayag ng suporta sa mamamayang Palestino matapos ang pambobomba ng Israel na kumitil sa may 500 katao sa isang ospital sa Gaza noong Oktubre 17.
Mga biktima ng displacement dahil sa Marawi siege noong 2017 ang karamihan sa mga sumali sa protesta.
Bagaman ‘di hamak na mas matindi ang mahigit pitong dekadang pandarahas at pamamaslang ng Zionistang Israel, nakikita nila ang kanilang mga sarili sa mga mamamayang Palestino sa Gaza.
Maraming progresibong grupo rin sa Pilipinas ang nagpahayag ng suporta sa kilusang pagpapalaya ng mamamayang Palestino. Anila, araw-araw ang karahasang dinaranas ng mga Palestino sa kamay ng Israel.
Comments (0)