Tungkulin sa mamamayan
Tungkulin sa mamamayan
Maaaring sabihin na malaon na itong nararanasan ng mga mamamahayag, ngunit hindi kailanman makatuwiran ang pandarahas sa mga tagapagbalita. Hindi kailanman makatuwiran ang pumaslang ng naghahatid ng katotohanan at nagsisiwalat ng katiwalian.
Ginunita ng mga mamamahayag sa buong daigdig ang International Day to End Impunity for Crimes against Journalists noong Nobyembre 2. Ilang araw ang lumipas, binaril sa loob ng radio booth habang live sa brodkast ang isang mamamahayag sa bayan ng Calamba sa Misamis Occidental.
Ikaapat si Juan Jumalon o DJ Johnny Walker ng 94.7 Gold FM na mamamahayag na pinatay sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ika-199 mula noong 1986.
Comments (0)