Piston: Ibasura ang deadline, transport strike ulit
Piston: Ibasura ang deadline, transport strike ulit
Katuwiran ng Piston, monopolyo ng mga pribadong korporasyon sa mga pampublikong sasakyan at kawalan ng hanapbuhay para sa maraming opereytor at tsuper ang hatid ng PUVMP.
Magsasagawa muli ang grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ng transport strike sa Dis. 14-15 upang muling igiit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang Dis. 31 na deadline sa franchise consolidation.
Ang franchise consolidation component ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay nag-uutos sa lahat ng mga opereytor na isuko ang mga indibidwal na prangkisa para sa konsolidasyon sa isang solong pag-aari ng isang kooperatiba o kooperasyon na nagsisilbi sa isang partikular na ruta.
Katuwiran ng Piston, monopolyo ng mga pribadong korporasyon sa mga pampublikong sasakyan at kawalan ng hanapbuhay para sa maraming opereytor at tsuper ang hatid ng PUVMP.
Comments (0)