Aktibistang Dutch-Pilipina, pina-deport
Aktibistang Dutch-Pilipina, pina-deport
Sa immigration checkpoint pa lang, hinarang na at hindi pinayagang makalabas hanggang sa pinabalik siya sa The Netherlands.
Kinondena ng mga progresibong grupo ang ginawang pagdetine, pag-red-tag at pag-deport pabalik sa The Netherlands sa isang Dutch-Pilipina na manggagawang pangkultura at tanggol-karapatan ng mga migrante na si Marikit Saturay.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport si Saturay noong Mar. 7. Sa immigration checkpoint pa lang, hinarang na at hindi pinayagang makalabas hanggang sa pinabalik siya sa The Netherlands.
Hindi rin siya pinayagang makausap ang kanyang abogado at kamag-anak habang nasa detensiyon sa paliparan. Pinaratangan din siya na may kaugnayan sa mga komunista at sangkot sa mga “kontra-gobyernong aktibidad.”
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan-Europe (Bayan-Europe), pina-deport si Saturay ilang araw bago ang pagdalaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Germany at Czechia para pumirma ng mga kasunduan sa pag-aangkat ng mga armas pandigma sa tabing ng seguridad sa karagatan.
Comments (0)