Ugnayang sumasakal
Ugnayang sumasakal
PINOY WEEKLY EDITORYAL
April 3, 2024
Nagpunta na naman dito si United States (US) Secretary of State Anthony Blinken noong Mar. 19. Nakipagpulong ulit siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Pinag-usapan nila ang pagpapahigpit pa ang ugnayan ng US at Pililpinas sa seguridad at ekonomiya, at ang nakatakdang pulong sa White House nila Marcos Jr., Japanese Prime Minister Fumio Kishida, at US President Joe Biden sa Abr. 11.
Sabi ni Blinken, naka-“hyperdrive” o rumaratsada ang balot sa bakal (ironclad) at “ekstraordinaryong” higpit ng ugnayang US at Pilipinas mula nang maupo si Marcos Jr. Pangalawang punta na niya ito sa bansa. Sunod-sunod din ang pagdalaw sa bansa ng marami pang matataas na opisyal ng US mula 2022. Dalawang beses namang nakapagpulong sina Marcos Jr. at Biden sa Washington.
Comments (0)