Comelec: inakusahang tumanggap ng suhol
Comelec: inakusahang tumanggap ng suhol
Nanawagan ang Computer Professionals’ Union (CPU) ng imbestigasyon sa ‘di umano’y pagtanggap ng suhol ng isang opisyal ng Commission on Election (Comelec).
Inaakusahan si Comelec Chairperson George Garcia na tumanggap ng suhol na halos P1 bilyon na galing umano sa South Korean firm na Miru Systems. Sa nasabing kompanya iginawad ng Comelec ang kontrata para sa mga automated counting machine (ACM) na gagamitin sa mga darating na halalan sa 2025.
Ayon sa CPU, hindi garantisado ang transparency ng mga ACM. Panawagan nilang imbestigahan ang nasabing kontrata at ibalik sa manwal ang pagbibilang sa darating na eleksiyon.
Comments (0)