SONAsahol
SONAsahol
PINOY WEEKLY EDITORYAL
Sa Hul. 22, nakatakda ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Malamang, ipangangalandakan na naman niyang umunlad na ang Pilipinas at maraming Pilipino ang nakinabang sa mga batas, proyekto, programa at kasunduang pinasok ng kanyang administrasyon sa nakalipas na dalawang taon.
Paniguradong babanggitin niya ang mga datos at pag-aaral na kung hindi makatotohanan ay walang katuturan para sa ordinaryong mamamayan.
Ano nga bang ibig sabihin ng 5.7% paglago sa gross domestic product ng Pilipinas kung nananatiling baon sa utang ang bansa? Ano nga ba ang epekto ng datos sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho kung sila’y napilitan maghanap ng dagdag na trabaho dahil sa napakasahol na arawang sahod? Anong katuturan ng pagbaba ng inflation rate kung sa reyalidad nagtataasan pa rin ang presyo ng mga bilihin at serbisyo?
Comments (0)