Tugon ng taumbayan sa pandemyang Covid-19
Tugon ng taumbayan sa pandemyang Covid-19
By Aris Baldomero
PinoyWeekly.org
Sa harap ng kakulangan ng gobyerno, nagtulong-tulong ang mamamayan upang labanan ang Covid-19.
Halos tatlong linggo na ang enhanced community quarantine (dating community quarantine) sa Luzon, at lalong lumilinaw na tila hindi handa ang gobyerno sa pagharap sa pandemyang Covid-19.
Bukod sa wala pa ang libre at malawakang testing na siya sanang tutukoy kung ilang bahagi ng populasyon ang nahawaan ng virus, pawang hindi naging maayos ang pagtitiyak ng pansalo sa kabuhayan at pagkain ng mga maralita. Maging ang pangangailangan ng tinaguriang mga frontliner – transportasyon patungo sa mga ospital, personal protective equipment, dormitoryo at kompensasyon – ay naging malaking usapin din sa proseso ng pagharap sa pandemya.
Comments (0)